Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Sana Mali Kami, Sana Tama Kayo
By Kym 11 May 2022 972

Hindi ako nalulungkot dahil hindi nanalo ang kandidato ko. Nalulungkot ako dahil pakiramdam ko parang ninakaw ang kinabukasan ko, o nating mga Pilipino.

Nawawalan ako ng gana, nawawalan ako ng pag-asa para magpatuloy ng pag-aaral. Para saan pa ang pagkayod sa pag-aaral kung hahayaan lang din palang makaupo sa bansa natin ang taong hindi naman nakapagtapos ng pag-aaral at pinepeke lang ang kredensyal? Para saan pa ang mga debate sa eskuwelahan kung meron naman palang nananalong kandidato na hindi sumasali sa mga ito? Bakit ka pa magbabasa ng maraming libro kung hindi rin sila makikinig sa'yo sa mga napag-aralan mo? 

Sabi nila, wala sa pinag-aralan yan, nasa ugali pa rin yan. Sana nga ganon na lang kadali para hindi ka na maghihirap pa abutin ang mga kwalipikasyon sa gusto mong maging trabaho. Sana nga ganoon kadali magkaroon lang ng trabaho at magkaroon lang ng pera. May mga taong nagtratrabaho araw-araw halos magkasakit na, para lang masustentuhan ang mga pangangailangan, mapagtapos ang kanilang mga anak, at magbayad ng buwis tapos may mamamahala sa ating bansa na hindi naman marunong magbayad ng kaniyang buwis at hindi naman talaga kwalipikado sa kaniyang nakuhang trabaho? 

Tama bang sabihin na walang ibang mag-aahon sa'yo kundi ang sarili mo lamang? Maaaring sabihin rin na hindi naman hawak ng mamamahala ng ating bansa ang kinabukasan natin, pero aminin pa rin natin, makakaapekto pa rin sila sa pamumuhay natin araw-araw dahil sa kanilang mga magiging desisyon. Maaaring hindi sa'yo pero doon sa mga taong nasa laylayan. 

Nagkaroon tayo ng pagkakataon na pahintuin ang korapsyon, political dynasty, at ipaglaban ang mga nabiktima, ngunit mukang karamihan sa ating mga mamamayan ay mas pinili pa ring magbulag-bulagan. 

Hanggang kailan ka tatawa at maniniwala sa mga taong pinaglalaban ang katotohanan? Kapag ba naranasan mo na ito, naghihirap ka na, at isa sa mga mahal mo sa buhay mo ay pinatay o ninakawan nila? 

Sa kabila ng pagkadismaya at mga katanungang ito, maghihintay pa rin ako sa mga magiging resulta. Sana nga mali kami, at sana nga tama kayo.

 

Related Reads


What's New

More Articles