Bago natin himayin at talakayin ang nag-aambang Public Utility Vehicle Modernization Program na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon na naglalayong kitilin ang buhay ng mga jeepney at pamumuhay ng mga tsuper. Balikan at tanawing muli natin sa pagkakataong ito ang mga dahilan kung bakit hindi dapat [muna] alisin ang tanging tagapagtaguyod sa transportasyon ng mga Pilipino.
Isa ang jeepeney sa mga pampublikong sasakyan na umiiral sa buong bansa. May kanya kanyang ruta, may kakaibang disenyo ang bawat piyesa, at totong nakatatak na ito sa ating kultura. Sa mga nagdaang tao, nagsisilbing ‘source of transportation’ ito ng mga ordinaryong mamamayan. Bukod sa mura at swak sa bulsa ay tila naglarawan at naging saksing buhay ang jeepney sa buhay ng mga Pilipino. Mula sa mga estudyante, mga tindera ng gulay, merienda, maging ng isda, nariyan din ang mga sumusuong na mga empleyado sa iba’t ibang sektor, maging ultimo bagyo o anumang delubyo ay pumapasada sila. Malaking tulong. Abot-kaya sa kakarampot na budget ng isang pamilya. Bukod pa rito, ‘source of income’ ng libo-libong tsuper ang jeepney upang may maiuwing salapi sa kanilang pamilya. Naglipana na rin ang napakaraming ‘stories of inspiration’ ng ilang indibidwal kung saan ay pinagtapos sila ng pag-aaral at nakaalwan kahit papaano dahil sa tulong nito.
Bagama’t sa kabilang banda, tunay din naman na mabibilang din ang ilang ‘disadvantages’ ng mga jeep sa kalsada at sa kalikasan. Ang itim na usok na ibinubuga ng mga tambutso ay may haplos din na masamang dulot sa tao at sa kapaligiran. Kabi-kabilang tsuper din ang walang kontrol sa pagmamaneho na nagreresulta sa trapik at aksidente dahil wala sa tamang babaan at sakayan ay malimit na nababalita. Totoo ito. Huwag nating ipikit ang ating mga mata sa mga negatibo. Huwag nating i-sugar coat, ika nga.
Ano ang punto ng mga talatang ito kung gayon?
Sa aking balance at pantay na pananaw, mahalaga ang ambag ng jeepney sa lipunan hindi ikukubli yan, ngunit ang pagbabago ay hinding-hindi natin matatakasan. ‘Change is inevitable,’ sino ang hindi papayag na magbago tungo sa progresibong buhay.
NGUNIT, dapat lamang nating isipin na ang pagbabagong ito ay hindi mabilis. Kailangan nito ng oras at salapi. Darating ang panahon na ang jeeney ay mawawala sa kalsada ngunit ‘wag nating madaliin ang mga tsuper at komyuter. Huwag natin silang putulan ng oportunidad. Tulungan sila, ‘wag pahirapan dahil sa huli lahat tayo ang magsasakripisyo.
Sa pagtatapos ng taong 2023, ang Public Utility Vehicle Modernization Program ay nag-aadya na na palitan ang tradisyunal na jeepney sa makabagong anyo nito. Tandaan na ang isang unit nito ay tumataginting na 2.8 million pesos. Mabigat sa bulsa at sa dibdib. Sabi nga ng mga tsuper, HINDI SILA TUTOL sa modernization program, kailangan nila ng tulong, suporta, at alalay mula sa gobyerno upang mapalitan ang jeep na hindi sila mababaon sa utang at may maiuuwi pa sila sa pamilya.
Pag-hihirap Ng Tsuper Dama ng Komyuter. Sa kasalukuyang transport strike sa kalakhang Maynila at ibang karatig probinsya, sino ba ang nahihirapan at nagdudusa? ‘Di ba ang mga ordinaryong Pilipino na umaasa sa jeep. Kaya sa puntong ito, sama-sama tayong ilabas ang ating hinaing para sa mga tsuper at komyuter.
Sabi nga ni Senator Grace Poe, ‘the national government itself is not yet ready to implement the PUV Modernization Program’. Huwag nating madaliin at biglain. Dahan dahan lang ang pagbabago na may tamang sistema at proseso.