Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[Editoryal] Kumusta ang unang buwan ng 2021 sa Pilipinas?
By Mamaro 26 Jan 2021 178

Halos mag-iisang buwan na ang nakalipas mula nang pumasok ang taong 2021. Marami ang naghintay na sumapit ang panahong ito sa pagnanais ng bagong simula at kalimutan ang bangungot na iniwan ng nagdaang taon sa kamalayan ng marami.

Ngunit, kumusta nga ba ang pagpasok ng bagong taon? Isa nga ba itong “bagong simula” o pagpapatuloy lamang ba ng madilim na kabanata ng 2020. Sa katunayan, masyado lamang talaga tayong nasiyahan sa ideya na matatapos na ang mga pagsubok dahil ang katotohanan ay patuloy lang ang dating ng mga suliranin.

Kumusta nga ba ang Enero 2021? Anu-ano nga ba ang mga nangyari ngayong buwan na talaga namang nagpayanig sa ating mga buhay.

 

DACERA RAPE-SLAY CASE

Sino ba namang makakalimot sa literal na unang pasabog sa unang araw ng 2021—isang flight attendant ng Philippine Airlines na si Christine Dacera, ang natagpuang wala nang buhay sa isang sikat na hotel sa Makati City.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng kapulisan ay biktima raw ang 23-anyos na dalaga ng pang-aabuso at pangagahasa. Ang isyung ito ang naging laman ng mga pahayagan at reports na nabahiran pa ng pulitika dahil tila naging sentro ito ng bansa sa loob ng dalawang lingo.

Sa ngayon gumugulong ang kaso at naging tahimik muna matapos mailibing ang nasawing si Dacera.

(Read: Netizens call to stop victim blaming: "It’s 2021 and we’re still fighting for victim blaming.")

 

UK COVID VARIANT SA PILIPINAS

Habang maraming bansa na sa mundo ang nagkansela ng mga byahe mula UK, tila naging ningas-kugon naman ang aksyon ng Pilipinas dito. Nang patuloy ang pagkalat ng nasabing variant sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay doon na lamang nag-anunsyo ang pamahalaan tungkol dito.

(Read: The UK COVID-19 variant detected is here, are we ready for ECQ again?)

Masasabing isa na namang kabiguan ang naging hakbang na ito ng bansa dahil mabilis na kumalat ang bagong variant ng virus at inaasahang patuloy pang lalaganap dahil sa kakulangan muli ng mga aksyon na ginagawa sa kasalukuyan.

Ito ang masamang balita na ayaw na marinig ng mga Pilipino ngunit, nangyari na muli ang kinatatakutan natin na magkaroon nang mas mahabang lockdown na sa katunayan ay hawak ng Pilipinas ang pinakamatagal na quarantine period sa buong mundo.

 

CHINA’S SINOVAC COVID-19 VACCINE

Naging malaking usapin din ngayong buwan ang tila pagkiling ng pamahalaan sa bakuna ng Tsina na Sinovac. Mariin itong kinwestiyon ng mga kritiko at mga Pilipino dahil sa sinasabing mababang efficacy rate o ang bisa nito sa taong matuturukan.

(Read: LOOK: LGUs step-up for “safe” COVID-19 vaccines while gov’t pushes China’s Sinovac)

Ito ang kinatatakutan ng mga Pilipino dahil bukod sa mahal na presyo ay nababahiran pa ito ng pamumulitika at samu’t saring anomalya. Dahil sa matinding panawagan ng mga Pilipino patungkol sa ‘makasariling’ hakbang ng pamahalaan, nanawagan ang ilang mambabatas at senador na unahin ang kapakanan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpili ng ligtas at mas mabisang bakuna na makakatulong sa pagsugpo ng virus.

 

PHILHEALTH CONTRIBUTION HIKE

Matapos sumabog ang isyu ng malawakang pagnanakaw sa loob ng ahensya ng PhilHealth na talaga namang ikinagalit ng marami nating kababayan.

Ngayong pagpasok ng 2021, mas lalong nadagdagan ang galit ng mga Pilipino nang malaman na dadagdagan daw ang halaga ng kontribusyon na sisingilin sa milyong Pilipinong kumakayod.

Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya at patuloy na ibinabalik ang isyu ng nawawalang 15 bilyon na pondo ng ahensya at umaasang ‘wag daw mawala sa isip nating lahat.

(Read: PhilHealth "Mafia’ and the lost 15 Billion funds: Where did our contributions go?)

 

UP-DND ACCORD

Isa sa maingay na pangyayari ngayong buwan ay ang pagbuwag ng “The University of the Philippines-Department of National Defense (DND) Accord” o ang kasunduang nagbibigay ng proteksiyon sa mga estudyanteng nais magpahayag ng kanilang damdamin patungkol sa baluktot na pamamalakad ng pamahalaan mula sa pwersa ng pulisya at militar.

(Read: [Editoryal] Ano ang epekto ng pagbuwag ng kasunduan ng UP at National Defense?)

Anila, marami daw masasagasaan na isyung panlipunan at ma-ipagsasawalang bahala ang karapatang pantao dahil sa pagputol ng nasabing kasunduan.

Sa pangyayaring ito, nakita ng marami na tuluyan nang mas pinapaburan ng gobyerno ang ‘di mahahalagang bagay kaysa palakasin ang tiwala at impresyon nila sa mga tao.

Ang mga nabanggit na isyu at pangyayari sa itaas ay ilan lamang sa nagpayanig sa buhay nating mga Pilipino ngayong 2021, ito ay simula pa lamang ng marami pang parating ngayong taon.

Lahat ng ito ay susubukin ang ating katatagan at paniniwala ngunit sa dulo ng lahat ng ito, isa lamang ang kailangan nating tiyakin, ito ay ang makalagpas at magpatuloy kalakip ang pag-asa at pangarap na isang araw matatapos din ang lahat.

Laban ulit tayo sa susunod na buwan!

 

 

Related Reads


What's New

Entertainment
12 May 2021 68

More Articles