Opinion
EDITORYAL: Kwentong Pinoy Christmasumisyon 2020
BER months na nga, at ibig sabihin nito ay simula na nang pinakahihintay nating lahat—ang Pasko!
Sa buong mundo, tayong mga Pilipino ang may pinakamahabang pagdiriwang ng pasko sa buong mundo. Labis nating pinaghahandaan at inaabangan ang pagsapit ng araw na ito upang magsaya at magsama-sama.
Ngunit, sa dami ng mga problemang kinakaharap ng mundo, paano kaya natin ipagdiriwang ang pinakamasayang araw na ito ngayong taon? Marami pa rin ang postibo ngunit may nariyan pa rin ang mga agam-agam na hindi na ito magiging kasing-tingkad ng mga nakalipas na taon.
Ito na nga, dahil mukhang malabong magkaroon ng carollings at...
Opinion
EDITORYAL: Kulturang ‘Filipino Resilience’ sa gitna ng krisis at kalamidad, kailangan na nga bang itigil?
Napakarami nang pagkakataong nasilayan at nasaksihan ang buong pusong katapangan at katatagan sa kamalayan ng mga Pilipino. Mula sa mga giyera, bagyo, pagputok ng mga bulkan, at iba pang kalamidad, nasubok ang tibay nating lahat.
Walang eksaktong panahon kung paano nabuo ang konsepto ng Filipino resilience o ang pagiging matatag ng mga Pilipino, ngunit sinasabing maaaring ito raw ay nag-ugat sa mga paniniwala at pananampalataya ng mga Pilipino, dahil sa tuwing may hindi mangyayaring maganda o maranasan nating mabigo ay parati nating sinasabing “bahala na” o ipinagpapasa-Diyos na lamang natin ito, at natuto raw tayong bumangon at maging matatag muli....
Opinion
EDITORYAL: Pasukan sa Agosto 24, dapat nga bang ituloy o itigil ngayong taon?
Tila wala na nga yatang makapipigil sa pagbubukas ng klase sa darating na ika-24 ng Agosto sa buong bansa ayon sa mga pahayag ng kalihim ng kagawaran ng edukasyon na si Dr. Leonor Briones sa naganap na virtual press briefing kahapon.
Mainit nga ang mga naging usapin patungkol sa pagbubukas ng ‘online classes’ ngayong Agosto sa gitna ng kabi-kabilang aberya at mga problemang kinakaharap ng mga estudyante at magulang na sa kauna-unahang pagkakataon ay susubukan ang bagong paraang ito.
(Basahin ito: Online Classes: Epektibo nga ba para Matuloy ang Pasukan?)
Ayon kay Briones, hindi na raw maaaring ipagpaliban ito dahil...
Opinion
EDITORYAL: Si Cynthia Villar at ang kanyang kakaibang pananaw sa mga isyu ng bayan!
Isa ka rin ba sa mga nadismaya sa mga ‘kakaibang’ pahayag ni Senadora Cynthia Villar tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bayan? Nagalit ka rin ba sa kanyang mga opinyon na tila malayong-malayo sa ikabubuti at ikagiginhawa ng marami? Kung oo, congrats dahil may pakialam ka pa rin pala sa bayan!
Noong Eleksiyon 2016, siya lang naman ang nakakuha ng ika-unang puwesto sa karera ng pagka-senador sa bansa, ibig sabihin marami ang naniniwala at sumuporta sa kanyang mga plataporma at hakbang, ngunit sa paglipas ng mga taon, ang isa sa pinakamayamang senador ng Pilipinas ay patuloy na nababalot ng...
Opinion
EDITORYAL: So Ano Na 2020? Ang mga plano ng gobyerno sa SONA ng Pangulong Duterte
Napanood mo ba ang SONA ng Pangulong Duterte kahapon? Anong masasabi mo at tumatakbo sa iyong isipan ngayon? Natuwa ka ba o mas lalong nawalan ka ng pag-asa para sa bayan sa naganap na ulat-bayan?
Hindi naging maganda ang hatol ng bayan base sa mga komento at reaksiyon ng marami. Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya tungkol sa dapat na pagbibigay ng konkreto at matibay na plano para sa bayan sa taong ito, ngunit tila raw pagmamalaki at pagbabalik-tanaw pa sa mga ‘di makatarungang hakbang na nangyari sa nakalipas lang ang naganap.
Anu-ano nga ba ang mga isyung nailahad? May mga...