Opinion
EDITORYAL: Anong isyu ng bayan ang gusto mong pag-usapan sa ika-limang SONA ng Pangulong Duterte?
Isang linggo mula ngayon ay magaganap na ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Duterte. Muli, maririnig natin ang kanyang ulat sa bayan—sa gitna ng mapanghamong krisis sa kalusugan.
Ito ang taon-taong responsibilidad ng punong tagapagpaganap sa bayan. Isang obligasyon upang ihayag ang mga plano ng pamahalaan tungkol sa iba’t-ibang isyu o suliranin na kinakaharap ng bansa.
Ang araw na ito rin ang magiging basehan ng taumbayan para sa lahat ng mga programang nagawa—isang pagbabalik-tanaw kung paano hinarap, nilabanan, at napagtagumpayan ang mga hakbang ng pamahalaan sa nakalipas na mga taon.
Hindi ba’t eksakto ang araw...
Opinion
Bibig ng 11,000 ang 'di na kakain at pagkitil sa malayang pamamahayag: Bakit nga ba malaki ang epekto ng pagsasara ng ABS-CBN?
Lubhang napakabigat ng nagdaang linggo para sa bansang Pilipinas—isang nakakalungkot na pangyayari muli ang naitala sa kasaysayan.
Matapos ang 13 beses na pagdinig sa kamara, hindi na nga nabigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN para magpatuloy ng kanilang operasyon.
Photo courtesy of ABS-CBN News
Siguro iniisip ng marami kung bakit ‘di pa rin tumitigil ang mga tao na ipaglaban ito kahit may pinal na desisyon na; oo, nakakarindi nga, nakakasawa na pero ang totoo, ang labang ito ay walang katapusan at kailanma’y walang masasabing nagwagi.
Mula noong Mayo, hindi maikakaila ang naging malaking epekto ng pagsasara nito dahil sa...
Opinion
EDITORYAL: Anti-Terrorism Bill naisabatas na! Ano-ano ang maaaring mangyari sa bayan ni Juan?
Isa ka ba sa sa mga nagulat, natuwa, natakot, o nagalit nang marinig mo sa balita na pinirmihan ng Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Bill noong Biyernes? O isa ka rin bang tulad ko na natigilan sa isang tabi at naisip ang mga bagay na mangyayari sa Pilipinas habang nangingitngit ang kalooban?
Sa totoo lang, wala ng eksaktong salita o bagay ang maglalarawan sa mala-komedyang nangyayari sa bayan dahil sa gitna ng isang malaking laban ng pandemya ay may nagaganap na mas malalang suliranin.
Bakit nga ba marami ang tutol sa Anti-Terrorism Law? Isa ka ba sa mga lumaban o...
Opinion
May say ba si Juan: Ano nga ba ang naitutulong ng pagrereklamo ng Pinoy sa mga issue ng bayan?
“Ano bang ambag mo sa bayan at ang dami mong satsat?”
“Ikaw na lang kaya mag-presidente, puro ka REKLAMO!”
Ilan lamang ito sa mga katagang maririnig natin ngayong marami ang isyung naglipana sa lipunan. Mga taong walang matibay na katuwiran sa mga bagay at usaping ‘di maabot ng kanilang pang-unawa, kaya naman wala silang ibang alam gawin kundi nasagin, barahin, at pilit sirain ang opinyong sumasalamin sa katotohanan—nakakapikon ‘di ba? Sa totoo lang ang sarap nilang patulan, pero sayang lang ang oras, enerhiya, at talino.
Palaging may “say” o talak si Juan sa lahat ng bagay. Aba, siyempre isipin mo...
Opinion
100 Days of Community Quarantine: Kumusta ka na ba Inang bayang Pilipinas?
Makalipas ang isandaang araw mula nang ipatupad ang lockdown sa Pilipinas, kumusta na nga ba ang estado ng bansa sa pakikipaglaban kontra COVID-19? Sapat ba ang mga nagawang hakbang para puksain ang pandemya?—marahil ilan lamang ito sa napakaraming mga tanong na ngayo’y patuloy na bumabagabag hindi lang sa akin kundi sa marami pang Pilipinong may pakialam pa rin sa bayan.
Ika-labing anim ng Marso ngayong taon nang simulang ipatupad ang napakaraming mga alituntunin para maiwasan pa ang kinatatakutang paglaganap ng pandemya sa bansa. Mula sa isang kaso, ngayon tayo ay nasa tatlumpung libong kaso na at sinasabing patuloy pang tataas...