Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
“Sana Matapos na ang COVID-19 Pandemic,” Ang Tanging Wish ng mga Dakilang Ina Ngayong Mother’s Day 2020
By Jhoemz Vercide 08 May 2020 1432

Ito na marahil ang isa sa mga pinakamalulungkot na Mother’s Day sa mundo dahil hindi sasapat ang mga salita para tumbasan ang pagmamahal na galling sa ating mga ina.

Ina, nanay, mama, mommy, ermat, mamshie, mudra, mudang, at kung ano-ano pa man ang mga itinatawag natin sa kanila, walang makakapantay sa lahat ng kanilang inialay para sa atin.

 

 

Sila ang tanging ilaw na nagbigay ng tanglaw sa ating mga buhay. Hindi sapat ang mga salitang ito upang bigyan sila ng pugay ngayong araw nilang mga bayani.

Nakakalungkot man dahil hindi tayo makakalabas at makakapagbigay ng sorpresa sa kanila dahil sa COVID-19 pandemic, maari pa rin naman natin silang pasalamatan kahit sa maliit na paraan.

Ngayong Mother’s day, tinanong naming ang mga ina nangsisilbi bilang mga frontliners sa kung ano ang kanilang wish at kung paano nila ipapag-diriwang ang importanteng araw na ito, narito ang kanilang mga sagot:

 

Photo courtesy of Micah Marie Marquez

 

MICAH MARIE L. MARQUEZ, STAFF NURSE AND A MOTHER

"I'm sure everybody is praying for the world to be normal again. and I won't wish anything for myself kasi thank God everyone in my family is okay, although hindi kami magkakasama, nakakapamuhay kami ng maayos at hindi kawawa. so my wish is for the people to have discipline among themselves, yun kasi yung wala sa karamihan, sarili lang yung iniisip, they don't think for the common good. kahit wala ako sa philippines updated pa din naman ako sa mga kaganapan diyan, the government is trying their best to do whatever it takes to save the filipinos, so i-disregard na muna sana ang hatred sa mga leaders, yes they have flaws, they commit mistakes, may mga decisions talaga na maski kami napapa-wtf!, but who doesn't? karamihan sa mga nagrarant sila yung mga walang ambag sa lipunan, sila yung mga nag hohoard ng sanitizers and alcohols, in short, sila yung mga pabigat. if people are to have discipline, unity comes next, and if people are united we can save our country. yung covid-19 hindi na yan mawawala, it will be like tuberculosis, influenza, polio etc, we all must pray for the medical professionals that they may find solution to this virus immediately without losing much of our people. I am lookinh forward into kissing my daughter without having a guilt feeling because I might be a carrier and I might pass the virus to her.

Photo courtesy of Micah Marie Marquez

 

"Yung normal na celebration na we will go out for dinner, e hindi naman namin magagawa yun. pero we want to celebrate by giving thanks to the Lord kasi despite all these trials nakakasurvive kami and I think that's more than enough for us. magkakasama naman kaming pamilya dito sa qatar, nakakausap naman namin regularly yung family namin sa pilipinas so wala na talaga kaming anything na hinahanap pa."

 

Photo courtesy of Grace B. Ponferrada

 

GRACE B. PONFERRADA, HOSPITAL STAFF AND A MOTHER

"Ang wish ko ngayong Mother's Day ay sana we will heal as one, may be not now but soon! Mahirap pero kung sama sama kakayanin naten! As a mom of two cute little kiddos I wish them good health same goes to all my families and friends around the world. And sana lahat dumami pa ang recovery rate worldwide! In Jesus Name♥️💚💜❤️We will heal as one, may be not now but soon! Mahirap pero kung sama sama kakayanin naten! As a mom of two cute little kiddos I wish them good health same goes to all my families and friends around the world. And sana lahat dumami pa ang recovery rate worldwide! In Jesus Name."

 

Photo courtesy of Grace B. Ponferrada

 

"Mother's day is fast approaching but we are quarantine until May 15, hopefully! I think my husband is freaking out a bit because celebrating is challenging this year, Maybe we will just cook something delicious, but for me, every day is mother's day! Let's make all the moms appreciated every day."

 

Photo courtesy of Dionisia Quilapio

 

DIONISIA QUILAPIO, HEAD NURSE AND A MOTHER

"Ang wish ko ay kiss or hug lang ok na 'ko; simple lng pero napakahirap gawin ng mga anak ko dahil kailangan mag-ingat. Lulutuan ko na lang sila ng masarap after ko mag-duty."

 

Photo courtsey of Precy Rodriguez

 

PRECY RODRIGUEZ, MARKET VENDOR AND A MOTHER

"Ang wish ko ngayong Mother's Day ay sana bumalik na sa normal ang lahat, mapuksa na ang Covid19."

 

Photo courtesy of Perlita Soria-Bautista

 

PERLITA SORIA-BAUTISTA, NURSE AT TAGUIG CITY UNIVERSITY AND A MOTHER

"Ngayong nalalapit na ang Mother's Day and wish ko bilang isang Frontliner ay magkaroon pa ng malakas na resistensya, palaging gabayan ni God sa araw araw na pag pasok sa trabaho at nawa matapos na itong 
ating kinakaharap na crisis nang sa gayon magkaroon na ulit ako ng quality time sa aking mga anak. Sa panahon ng crisis ngayon dahil sa Covid19 cgro we will celebrate it in a simple preparation of food and have a video call with my husband who is an OFW so he could celebrate with us even if he is miles apart."

 

 

Photo courtesy: Mary Magdalene Go

MARY MAGDALENE GO, BARANGAY VOLUNTEER AND A MOTHER

"Wish ko ngayong mothers day matapos n yung covid 19 at makahanap na ng gamot para dito."

Nagbigay ng menshae ang kanyang mga anak kay Mary Magdalene,

"Dati tuwing mothers day nagluluto ako para salo salo kaming maglulunch ng mga anak ko at mama ko. Tapos pag hapon nilalabas ko si mama para ipa manicure, pedicure, footspa, massage, facial, hot oil at gupit. Ngayon ang wish ko ngayong mothers day sana mailabas ko si mama ma-pamper ko sya ulit dalhin sa parlor,  maipamassage at mapakain sa masarap na restaurant. Pero kung wish lang gusto bigyan pa si mama ng mahabang buhay, malakas na pangangatawan at pangarap ko siyang bigyan ng magandang buhay, bibilhan ko si mama ng flowers at cake, ipagluluto ko sya ng paborito nyang pancit canton at buttered garlic shrimp."

 

Photo courtesy of Juana Dela Cruz

 

JUANA DELA CRUZ, VENDOR IN MAKATI CITY AND A MOTHER

"Ang wish ko ngayong Mother's Day ay Sana matapos na ang krisis natin, gumaling na yung may sakit at ‘di na madgadagan.”

 

Para sa lahat ng mga ina sa buong mundo, isang maligayang araw po sa inyong lahat at maraming-maraming salamat!

 

 

Related Reads


What's New

More Articles