Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
"Puwede Po Bang Tumawad?" Sistema Sa Likod ng Presyong Suki
By Andrea Kelly Cerdeña 04 Nov 2026 64

“Sige, bente na lang sa’yo!” o “Puwedeng tumawad dito? Marami naman na akong nabili.”

 

Mga karaniwang linyahan na maririnig mo sa gitna ng palengke o ‘di kaya’y sa mga nagtitinda sa tabing-daan. Maaaring alam mo rin ito dahil tuwing namamalengke ang nanay mo, madalas itong banggitin ng kaniyang dila.

 

Kung titingnan, sa panahong lahat ng bagay ay nagmamahal — hindi ba isa itong natatanging pribilehiyo?

 

Pagtawad sa presyo o kilala bilang presyong suki ay isang kinagisnang kultura na matagal nang yakap ng bawat Pilipinong konsyumer. Ito ay isang pangyayari kung saan nangungusap ang mamimili kung puwedeng babaan ang presyo ng kaniyang nabili mula sa nagbebenta.

 

Halimbawa, ang isang kilo ng saging na iyong nabili ay umabot sa 85 pesos, pero dahil may butal, gusto mong bayaran na lang ito sa saradong bilang na otsenta o 80 pesos. Ang gagawin mo na lang ay sabihin ito sa nagtitinda at tingnan kung papayag.

 

Dagdag pa rito ay ang palarong bulong na “Palagi na akong bibili rito,” kaya galak ang ngiti ng tindera.

 

Sa kasaysayan, nag-ugat ang salitang suki sa “tsu-keh” galing sa lengguwaheng Minnan sa China o (Hokkien). Ang ibig sabihin umano nito ay “pangunahing bisita” o sa Ingles ay “very important person”.

 

Gayundin, ang konsepto ay nagsimula noong dumating ang mga Chinese sa Pilipinas na pinasimulan ng barter o ng pakikipagkalakalan sa mga Pilipino. At ang relasyong ito ay nagpatuloy sa mahabang panahon matapos makitang hitik sa yaman ang bansa at mainit ang pagtanggap ng mga Pinoy sa naturang ideya.

 

Ngunit bukod dito, likas din na ang ganitong kalakaran ay repleksyon ng nakasanayang kaugalian ng mga Pilipino.

 

Ang pakikisama at tiwala bilang pangunahing pag-uugali ay isa rin sa mga ugat ng sistemang suki. Higit sa pribilehiyo at mabansagang “suki”, “ka-close” o “go-to store” dahil may bawas sa presyo — nabubuo ang relasyong konektado sa Sikolohiyang Pilipino.

 

Nakasaad dito na ang paulit-ulit na interaksyon sa pagitan ng nagtitinda at bumibili ay sapat upang mapanatili ang maayos na relasyon at pakikibagay ng isang tao sa komunidad. Habang unti-unting niyayakap ang ideya ng “Hindi Ibang-Tao” o “pakikipagpalagayang-loob” kung saan kahit walang informal na kontrata ay nakapagpalagayang-loob na at ito ang perks kung tawagin.

Isa pa, eksklusibo lamang ito sa lansangan at sa mga maliliit na negosyo, kaya’t kung ang rekta mo ay sa malls o sa mga mamahaling botika, walang pasobra dahil special ka.

 

Kaya kung para sa naglalakihang supermalls isa ka lamang tuldok, pero para sa mga maliit na negosyo dulot mo ay suwerte dahil hindi sila nagtitinda upang yumaman, bagkus upang mabuhay.

Related Reads


What's New

More Articles