
Mga accla! Sa dami ng mga paparating, may pera na ba ang lahat? Para sa mga Koreaboos natin dyan, literal na what are you willing to do? para masilayan ang mga favorite Korean Stars niyo?
Kung wala pa kayong budget sa ngayon, don’t worry dahil marami pa namang pagkakakitaan dyan! Dahil nga what are you willing to do? pero kapwa fans mo ang kalaban, ipipilit natin ‘yan! I-try niyo na ang mga tips na ito, baka makahabol pa kayo at maka-secure ng ticket!
- May buyer na ba kayo ng on-hand kidneys niyo? Mag-post na kayo ng wts lfb ph, kung goods pa ang kidney na ‘yan, makakahanap ka rin ng right seller na magdadala sayo sa concert.
- Maghanap ka na ng sugar daddy mo! ‘Pag naka-spot ka, for sure may sponsor ka na ng ticket.
- Kung wala naman mahanap, I think it’s time na talaga magmano kila ninong at ninang at mag-advance singil ng pamasko. Ber months naman na, baka pwede na ‘yan.
- Kung hindi ka naman payagan ng mga ninong at ninang mong bumale, sa pamilya ka kumapit! Simulan niyo nang magpa-good shot sa mga ate’t kuya niyo, at maglambing kina mama at papa, baka sakaling maambunan ng biyaya at magkaroon ng ticket sa harap niyo.
- Speaking of Ber months, try niyo na rin mag-early caroling! I think dapat sabayan na natin ang pagsilip nina Jose Mari Chan at Mariah Carey, baka lang may mag-abot… nang maramdaman naman nating Christmas is truly in our hearts.
- Kung tingin mo naman hindi ka pang-pasko pero pinagpala ka naman sa boses, mag-busking ka nalang sa Luneta! Ikanta mo na ang mga favorite Korean songs mo para magkapera!
- Para naman sa mga hindi masyadong pinagpala sa talent pero pinagpala ang brains, i-dibs mo na ang assignments at projects ng katabi mo para magka-ticket!
- Or kung may naitago ka naman dyan na mga albums and merch, ibenta mo na ‘yan para sa real thing! Iba pa rin syempre ang experience makita sila IRL!
- Kung masipag ka naman, tumanggap ka nalang ng mga labada! Sideline, sideline lang.
- If kulang pa rin talaga, time na ‘yata para basagin mo ang piggy bank mo sa kwarto. Buksan mo na ‘yan, mabubuo mo rin ang pambili ng ticket!
- Kung wala ka namang alkansya, bumili ka na! Simulan mo nang maghulog dyan para makapunta ka naman next year!
- Kung bet mo naman less hassle, mangutang ka nalang for ‘emergency’—presyong kaibigan, mga 17,500 kamo pang-VIP lang!
- O kaya, i-post mo na rin sa mga social media platforms mo ang QR code ng GCash mo, malay mo swertehin ka at may mag-send ng malaki-laki.
- Kung medyo famous ka naman, try mo na ring manghingi ng piso-piso sa mga followers mo. Kung may isang libong followers ka—e’di instant 1k na agad, ‘di ba?
Trust me, normal pa ‘yan. Lahat talaga gagawin, kumitang-kabuhayan lang!
Pero kung wala na talaga, may willing bang mag-jail era dyan at nakahanap na ng links ng cooking shows? O mga nagsimula na kayo agad na pumasok sa acceptance stage?
Okay lang ‘yan, may next time pa naman! Isipin niyo nalang—you’re still breathing the same air with Lee Minho, nasa iisang bansa pa rin kayo nina Kim Sejeong at Ahn Hyoseop, magkikita pa kayo sa panaginip ni BamBam, ii-invite pa kayo ng TWICE sa concert nila, mananalo pa kayo sa giveaway ng ticket para sa AAA sa December, at magkakasalubong pa kayo in the rain accidentally ni Park Seojun sa España. Syempre, team bahay moments. Pero kung nakakuha ka naman ng ticket sa ganap ng idol mo, e’di Congrats sa’yo!