Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Mga Dapat Sundin Tungo sa Ligtas na Pamimili
By AJ Virtuz 20 May 2020 1025

Hindi natin maika-kaila na tayong mga Pinoy ay mahilig talaga sa pagpunta sa mga malls at mamili. Kaya nitong Linggo lamang nang sinimulang buksan muli ang ilan sa mga ito matapos ang ilang buwang Enhanced Community Quarantine.

Nagdulot ito ng takot, pangamba at pagka-inis mula sa netizens nang makita ang mga kumakalat na larawan ng mga taong nagdagsaan sa mga mall sa gitna ng krisis dala ng COVID-19 sa bansa.

Narito ang ilang mga paalala at dapat sundin kung ikaw ay nagbabalak pumunta sa mall:

 

Siguraduhing mayroong suot na face mask bago pumasok ng mall.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok nang walang face mask sa mga mall establishments upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit. Maaari ring gumamit ng hand sanitizers na nakalagay sa mall entrance at counters

 

Kung may nararamdamang sakit kagaya ng ubo, sipon, o lagnat, ay huwag nang tumuloy.

Ito ay upang maiwasan ang posibleng paghawa sa ibang mga tao. Mabuting magtungo na lamang sa ospital upang magpa-check up nang malaman ang posibleng sakit.

 

Sundin ang tamang safe distancing.

Panatilihin ang hindi bababa sa 6 feet na layo sa pagitan mo at ng ibang tao, malaki ang maitutulong nito upang mapigilan ang maaaring pagkalat ng sakit.

 

Ang elevator ay maaari lamang gamitin ng hanggang apat na tao.

Maaari ring gumamit ng escalator subalit siguraduhin na mayroong isang bahagdang pagitan kada-tao.

 

Nawa’y sundin lahat ng mga paalalang ito para sa ligtas at masayang pamimili. Tulungan natin ang ating bansa na mapababa ang kaso ng COVID-19 at nang tuluyan nang mawala. Nagagampanan ng malls ang tungkulin upang masigurado ang kalinisan at kaligtasan ng mga customers, ngunit mas magiging epektibo ito kung sasamahan ng kooperasyon ng bawat isa kaya huwag lang natin iasa ang responsibilidad ng ating kaligtasan sa iba.

 

Related Reads


What's New

More Articles