Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Iligtas Ang Sarili sa COVID-19: Alamin ang mga dapat sundin kung lalabas ka ngayong GCQ sa Metro Manila
By Jhoemz Vercide 01 Jun 2020 1052

Ngayong Lunes, June 1, 2020, ay ganap nang sumailalim ang buong Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) sa bisa ng kautusan ng Pangulong Duterte.

Bago ang tuluyang pagpapalit mula modified ECQ, ay bumuhos ang mga samu’t saring reaksyon mula sa pangambang baka magbunsod lamang ito ng lalong pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tinawag ng mga netizens na “Survivor Philippines” at “Hunger games” ang tila kahihinatnan ng mga tao sa Metro Manila dahil sa banta ng pandemya at pagpapaluwag ng mga kautusan kasabay ng paglampas ng bilang ng 18,000 na kumpirmadong kaso sa bansa.

 

Sa kabila ng banta ng pagkalat ng nakamamatay na virus, marami ang piniling sumuong sa panganib upang pumasok sa trabaho at ituloy ang buhay para sa pamilya. Kung isa ka sa mga kailangang lumabas, nakahanda ka ba sa anumang panganib na haharapin? Paano mo proprotektahan ang sarili sa COVID-19?

Narito ang ilan sa mga dapat mong gawin at sundin kung lalabas ka ngayong GCQ na sa Metro Manila:

 

GENERAL PROTOCOLS

Ang mga sumusunod na kautusan ay ang magiging bahagi ng ‘new normal’ na buhay ng mga tao kaya naman kahit saan ay kailangang sundin ito mula ngayong araw hanggang sa mga susunod pa:

  • Laging MAGSUOT NG FACE MASK sa tuwing lalabas ng bahay.
  • Palaging MAGHUGAS NG KAMAY at MAG-SANITIZE GAMIT ANG ALCOHOL AT IBA PANG MGA PRODUKTO.
  • Mahigpit na pagpapanatili ng PHYSICAL DISTANCING

 

SAKAYAN AT PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON

Mahigpit ang mga bahagi ng alituntuning ito para sa mga taong lalong hirap na makasakay ngayon:

  • Sundin ang one-seat-apart na alituntunin sa mga pampublikong sasakyan.
  • Bago sumakay, kailangang mag-suot ng face mask at mag-sanitize ng sarili para sa kapakanan ng lahat ng pasahero.
  • Sa mga tren, kailangan tingnan ang temperatura at siguruhing napapanatili ang physical distancing.

 

MALLS AT SHOPPING CENTERS

Sa muling pagbubukas ng mga negosyo at ilang establisyemento tulad ng SM SUPERMALLS, naging mahigpit din ang pagpapatupad ng 50% OPERATIONAL CAPACITY na kaakibat ang mga sumusunod na alitintunin na dapat sundin ng mga taong magpupunta rito:

  • Mahigpit na pagdi-disinfect ang sinisiguro ng sanitation team sa loob at labas ng mga malls.

 

  • Ang alcohol stations, pagche-check ng body temperature, at disinfecting foot mats ay nasa entrance ng mga malls para siguradong ligtas ang mga mamimili.
  • Mayroong mga floor stickers and dividers na dapat sundan ng mga mamimili upang maiwasan ang pagdidikit dikit.
  • Sa mga escalators, may two-step-apart rule na dapat sundin upang maiwasan ang siksikan.
  • 50% capacity o kalahati lamang ng mga PWD at buntis ang maaaring sumakay sa elevator.
  • Lahat ng mamimili ay kinakailangan magsuot ng face mask at sumunod sa safe distancing.
  • Nakapaskil ang mga signages sa loob ng malls para sa mga safety protocols na dapat sundin.
  • May mga Safety Protocol Officers din na nakabantay sa loob upang masigurong nasusunod ang mga batas.
  • Sa mall parking, may one-slot-apart na kailangang sundin ang mga nagmamaneho ng motorsiklo.

 

 

Ang pagbubukas ng buwan ng Hunyo ay isa ring panibagong simula para sa marami. Kahit na malaki ang banta ng panganib sa kalusugan, mas nananaig pa rin ang kagustuhan ng marami na magpatuloy sa mga bagay na nakasanayan.

Ngayong GCQ, nawa ay magkaroon ng kooperasyon at dobleng pag-iingat para sa kaligtasan ng nakakarami.

Related Reads


What's New

More Articles