Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[Editoryal] Child Car Seat Law, May sense nga ba?
By Mamaro 02 Feb 2021 449

Sa unang ng Pebrero, mainit na pinag-usapan ang bagong batas patungkol sa paggamit o paglalagay ng mga car seats para sa mga batang 12 na taong gulang pababa sa loob ng mga sasakyan upang maprotektahan sa anumang aksidente.

Ngayong araw, ika-2 ng Pebrero, ay pormal nang epektibo ang Republic Act No. 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act. Sa batas na ito, ipinagbabawal rin ang pag-upo ng mga bata sa harap na katabi ng nagmamaneho ng sasakyan at kailangang panatilihin ang paggamit ng "child restraint systems" kung uupos sa likurang bahagi.

Ang mga batang may tangkad na 4’11 pababa ang kailangang sumunod sa naturang batas ngunit marami ang mga agam-agam kung kailangan pa ba o mahalaga pa ba ang batas na ito.

Sa katunayan, maging sa panayam ng host na si Amy Perez kay Land Transportation NCR Director Atty. Clarence Guinto, na-kuwestiyon din ang iba’t-ibang laki o tangkad na nabibilang sa edad na itinakda ng batas; sa naging tugon ng director, pabiro nitong suhestiyon na lakihan na lamang daw ang sasakyan kung sadyang matangkad ang mga bata, hindi ito nagustuhan ng netizens at deretsahang sinagot ni Perez na ang kanyang concern ay para sa maraming Pilipino na may parehong katanungan.

(Read: TRENDING: Tyang Amy Perez viral interview with LTO Director)

 

 

Ano-ano pa nga ba ang dapat nating malaman tungkol sa batas?

  • Ang mga batang lagpas sa itinakdang tangkad ngunit pasok sa pamantayang edad ay maaaring gumamit na lamang ng ligtas na
  • Hindi kasama ang mga motor at tricycles sa mga transportasyong itinakda ng Department of Transportation (DOTr).
  • Hindi na kinakailangan gumamit ng car seats ang mga batang may kondisyong medical at kinakailangan ng

Mga parusa sa mahuhuling lalabag dito:

  • P1,000 para sa mahuhuling unang paglabag.
  • P2,000 para sa ikalawang paglabag.
  • P5,000 at pagsuspinde sa lisensya ng drayber ng isang taon kung mahuhuli sa ikatlong pagkakataong na lumabag sa nasabing batas.

kailangan bang maglagay ng car seats para sa mga bata sa loob ng pampubliko at pampasaherong sasakyan?

Sinasabi ng batas na kinakailangan pa raw magsagawa ng Department of Transportation (DOTr) ng mga pag-aaral kung kinakailangan bang ipatupad na rin ang nasabing batas sa mga pampublikong mga sasakyan.

Ang sabi ng batas: "Should the DOTr determine, after the study, that child restraint systems are not applicable in certain public utility vehicles, it shall recommend to Congress other safety measures and regulations for the safe and secure transportation of children in vehicles."

Sa kabilang banda, Hinimok ang Department of Transportation (DOTr) na suspendehin ang ilan sa mga probisyon ng child car seat law gayong hindi naman maaaring lumabas ang mga bata edad 15 taong gulang pababa sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Suhestiyon ni AKO Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. sa DOTr at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, kailangang gumawa ng resoluyon na magsususpinde sa ilan sa mga probisyon ng Republic Act No. 11229 o ang child safety sa motor vehicles act.

Aniya, binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na papayag sa kabataan na edad 10 taong gulang pataas na lumabas sa mga lugar na naka sailalim sa Modified General Community Quarantine at nanatili lamang sa edad 15 hanggang 65 ang maaring lumabas ng kanilang mga tahanan.

Nilinaw naman ng ahensya na wala pang mangyayaring hulihan ngayong araw dahil magsasagawa lamang daw muna sila ng information drive sa loob ng anim na buwan upang malaman ng mga motorista kung ano nga ba ang bagong batas na ipinatupad.

Maraming mga komento at patutsada ang ibinabato sa ahensya tungkol panukalang ito dahil tiyak na magpapahirap at makapagdadagdag gastos lamang daw ito lalo na’t patuloy ang pagbagsak ng kabuhayan ng marami ngayong pandemya.

Ano-ano pa man ang mga kuro-kuro ng marami, aminin natin na ang kaligtasan pa rin ang pangunahing misyon ng bagong batas na ito.

Ikaw ano sa tingin mo, may sense ba ang bagong batas na ito?

 

Related Reads


What's New

Entertainment
12 May 2021 68

More Articles