Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
[EDITORYAL] Bakit kailangan magparehistro bago ang Eleksyon 2022?
By Mamaro 09 Feb 2021 317

Isang taon mahigit na lang mula ngayon ay eleksiyon na naman sa Pilipinas. Pipili na naman ng mga bagong lider na mamumuno sa pamahalaan—mga  taong magpapasiya sa kapalaran ng maraming Pilipino.

Ang susunod na halalan ay pampanguluhan, at ang ibig sabihin ay magpapalit na ng panibagong administrasyon. Magandang balita ito para sa nakararaming pago na sa mga pangako ng kasalukuyang nanunungkulan at pag-asa para sa mas maayos na kinabukasan.

Sa gitna ng malawakang pandemya sa bansa, Sinimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpaparehistro ng mga botante para sa darating na 2022 elections.

 

ANO NGA BA ANG VOTER’S REGISTRATION?

Ang voter’s registration o pagpaparehistro ng mga botante is isang proseso na kung saan ang mga kwalipikadong mamamayan ng bansa na nasa edad 18-anyos pataas ay may karapatang bumoto upang maghalal ng mga opisyal sa bayan.

Kinakailangang magpasa ng aplikasyon sa mga election officers upang maisama sa mga listahan ng botante. Ang pagiging botante ng bansa ay isang importanteng requirement para sa pagkakakilanlan at nagnanais na tumakbo sa pamahalaan.

 

SINO ANG PWEDENG MAGPAREHISTRO?

Ang mga Pilipinong nais magparehistro bilang botante sa Pilipinas ay kinakailangang sundin ang mga sumusunod:

  • Filipino citizen na hindi pa nakapagparehistro kailanman sa
  • Dapat ay nasa 18 taong gulang nab ago ang May 9, 2022
  • Para sa Sangguniang Kabataan, kailangan at hindi bababa sa 15 taong gulang at ‘di lalagpas sa 30 taong gulang ang edad.
  • Nanirahan sa Pilipinas ng ‘di bababa sa isang taon sa lugar o munisipalidad na nais niyang maging botante anim na buwan bago ang eleksiyon.

 

Nagsimula ang voter’s registration sa bansa para sa halalan sa Mayo noong nakaraang ika-1 ng Setyembre 2020 at magtatapos sa ika-30 ng Setyembre 2021.

Ang mga opisina ng COMELEC na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ay ang pinayagan lamang na ituloy ang pagpaparehistro mula martes hanggang sabado sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon.

 

ANO ANG KAILANGANG GAWIN BAGO MAGPAREHISTRO?

  1. Hanapin ang COMELEC office sa inyong lugar at magpa-book ng Alaming mabuti ang itinalagang oras ng opisina dahil sa dami ng bilang ng mga nais magparehistro, kaya’t maglaan ng isang lingo para kumpletuhin ang requirements.
  2. I-print at sagutan ang lahat ng COMELEC forms sa bahay na maaaring makuha sa link na ito:
  3. Kailangang sagutan ang CEF-1 at Coronavirus Self Declaration Form. May mga supplementary form din na inihanda para sa mga PWD at Indigenous people na nais magparehistro.
  4. Mahigpit na pinapaalala ng COMELEC na ihanda na muna lahat ng kinakailangang dokumento bago magpunta sa opisina.
  5. Ihinda ang mga Valid IDs:
  • Employee's identification card (ID), with the signature of the employer or authorized representative
  • Postal ID
  • PWD Discount ID
  • Student's ID or library card, signed by the school authority
  • Senior Citizen's ID
  • Driver's license
  • NBI clearance
  • Passport
  • SSS/GSIS ID
  • Integrated Bar of the Philippine (IBP) ID
  • License issued by the Professional Regulatory Commission (PRC)
  • Certificate of Confirmation issued by the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) in case of members of ICCs or IPs.

Kung natapos mo nang gawin ang mga nabanggt na steps sa itaas, narito ang pangkabuuang ala-ala na kailangang sundin upang magkaroon ng matiwasay na proseso sa pagpaparehistro.

  • Accomplished forms
  • Valid ID and photocopy of ID
  • Own ballpen
  • Face mask and face shield
  • Alcohol or hand sanitizer
  • Tubig (upang maiwasan ang dehydration)
  • Magbaon ng pasensya para sa mahabang hintayan at proseso.

 

BAKIT KAILANGANG MAGPAREHISTRO?

Napakaraming dahilan kung bakit mahalaga ang magparehistro bago ang eleksyon 2022. Bukod sa kautusang nakapaloob sa saligang batas ng Pilipinas at karapatan at obligasyong ng mamamayang Pilipino, ito ay para sa bayan.

Sa kapangyarihan ng sambayang makapagluklok ng mga lider sa pwesto, nakapaloob dito ang pag-asa ng bagong pamumuno para sa ikabubuti ng marami.

Sa isang bansang ginagawang negosyo at pagpapalkas ng kapangyarihan ang eleksyon, kaawa-awa ang mga iilang pulitikong may malinis at tuwid na hangarin—ang makapaglingkod para sa mga kababayan.

Ang araw ng eleksyon ay itinuturing na pagbabago. Isang pangarap na pilit isinigaw ng mga Pilipinong umaalab ang damdaming baguhin ang direksyon ng bansa at iligtas mula sa mapang-abusong kamay.

Bilang mamamayan ng bansang Pilipinas na naniniwalang may hangganan din ang kasakiman at pang-aabuso, magparehistro ka, ito ang tanging maibibigay mo para sa bayan.

Muli, mahparehistro ka at iboto ang nararapat sa darating na eleksyon!

Related Reads


What's New

Entertainment
12 May 2021 69

More Articles