Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
Baguio, kinilala bilang ‘Model City’ sa Pakikipaglaban kontra COVID-19
By Jhoemz Vercide 22 May 2020 6153

Matapos ang dalawang buwan ng enhanced community quarantine (ECQ), sumailalim na nga ang Baguio City sa general community quarantine (GCQ) na kung saan pinayagan na muling magbukas ang ilang mga serbisyo sa lungsod ngunit bago pa man ito, naging usap-usapan ang naging mahusay na pamamaraan at pamamalakad ng siyudad na ito.

Sa buong Pilipinas, Baguio City na nga siguro ang pinakadisiplinadong lugar sa pagharap sa krisis ng COVID-19. Ilan sa mga nakabibilib na aksyong ginawa ng lungsod ay gumawa ng ingay sa social media at maging ilan nga ay nag viral pa.

 

DISTANCING DISCS O THE “CIRCLES OF LIFE”

Dahil kinakailangan ang pagpapanatili ng social distancing, nakaisip ang pamahalaang lungsod na maglagay ng mga visual cues. Ito ang distancing discs o ang tinatawag nilang “Circles of life” na kung saan ay nagpinta sila ng mga hugis bilog na may isang metrong pagitan sa bawat isa sa labas ng palengke upang magsilbing marka kung saan pipila ang mga tao.

 

 

 

 

ARROW MARKINGS SA SESSION ROAD

Para maiwasan ang pagdidikit-dikit ng mga tao, naisip din nilang maglagay ng mga arrows sa tanyag na Session road. Makikita sa larawan ang dalawang kulay nito, ang kulay puti ay marka para sa mga taong papa-akyat o pasulong at ang kulay berde naman ay ang markang susundan ng mga taong pababa sa kalyeng ito.

 

 

CUSTOMIZED JEEPNEY PARTITION

Makikita sa mga Facebook posts na ito ang pagkamangha sa naisip ng mga jeepney drivers kung paano mapapanatili ang social distancing sa loob ng pampublikong transportasyon.

Mayroong gumamit ng mga plastik at tarpaulin upang gawing pangharang sa mga upuan.

 

 

HONESTY JEEPNEY

Dahil hindi rin maaaring lumapit nang husto sa tuwing magbabayad ng pamasahe, naisipan naman ng drayber na ito na gawing tila alkansiya ang mga kahoy sa pagitan ng mga upuan ng jeep. Ang mga pasahero ay hindi na kailangan lumapit sa drayber para magbayad bagkus ay kailangan niya lang maging matapat sa pamasaheng ibabayad.

 

Photo courtesy of Baguio City Digest / Facebook

 

 

SM BAGUIO STRICT SAFETY AND SANITATION MEASURES

Ka-isa rin ang SM City Baguio sa pagpapalaganap ng mga hakbang pangkaligtasan kontra COVID-19 sa pangunguna ng lungsod. Sa katunayan, sa muling pagbubukas nito matapos ang dalawang buwan, mahigpit ang mga utos na kanilang ipinapatupad sa mga mamimili.

 

 

 

 

 

Bago pumasok sa loob, kailangang may suot na face mask, titingnan ang temperatura, at magdis-infect gamit ang mga alcohol.

Ang lahat ng kanilang mga ginagawa ay alinsunod sa mga regulasyong ipinatupad ng pamahalaang panlungsod.

 

 

Nakakatuwang isipin na ang lahat ng ito ay nagawa ng siyudad ng Baguio. Tunay na nakakabilib ang kanilang mga hakbang kontra COVID-19.

Hindi imposible na magawa rin ito ng marami pang lugar o ng buong bansa kung paiiralin ang disiplina at kooperasyon.

Mabuhay kayo, Baguio City!

Related Reads


What's New

More Articles