Ang pangkat ng kabataang Pilipino ay isa sa may pinakamalaking porsyento sa populasyon ng Pilipinas.
Humigit kumulang 8,378,580 mga kabataang mula sa edad 18 hanggang 24 ang hindi pa rehistrado upang maka-boto sa darating na Eleksyon 2022. Ito ay ayon sa inilabas na bilang ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Commission on Elections (COMELEC) noong taong 2019.
Marahil ay isa ka sa bilang na ito. Kaya naman narito ang listahan ng mga dapat mo ihanda. Anuman sa listahan na ito ay valid at dapat dalhin ang orihinal at photocopy nito upang makapag-rehistro.
1. Student ID or Library Card
2. Employer’s ID
3. Postal ID
4. PWD ID
5. Driver’s License
6. NBI Clearance
7. Passport
8. SSS ID/ GSIS ID
9. PRC Issued ID
10. NCIP Certificate of Confirmation
Para naman sa pagpapalit o pag tama ng impormasyon sa iyong pangalan o address:
1. Birth Certificate
2. Marriage Certificate
3. Cenomar
Ang isang boto mo ay kaakibat ng isang malawak na pagbabago sa darating na eleksyon. Huwag sayangin ang karapatang ito na nagpapatunay ng isang pagiging Pilipino. Kaya naman halina’t mag parehistro sa pinakamalapit na opisina ng COMELEC sa inyong lugar!