Default

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me

I AM A POPUP CUSTOM02

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit. Quae nam consequatur reiciendis omnis esse, nesciunt!

Close Me
FACT: Kahit ano pang suot mo, patuloy ang rape kung may mga rapists!
By Jhoemz Vercide 17 Jun 2020 10705

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na kanilang nakuha mula sa talaan ng Philippine National Police, (PNP) nakapagtala ang bansa ng 2,162 na kaso ng pang-aabuso at panggagahasa noong nakaraang Pebrero ngayong taon.

Sa tala naman ng National Demographic and Health Survey, 2 sa 5 biktima ang hindi nakakapag-sumbong sa mga awtoridad sa kanilang naranasang karahasan.

 

Photo courtesy of Pexels.com

 

Mainit ang usapin ng “rape” sa nagdaang linggo matapos nga na mag-ugat sa isang Facebook post sa himpilan ng pulisya ng Lucban sa probinsya ng Quezon na kung saan binalaan ang mga kababaihan na mag-suot ng maayos at pormal na kasuotan upang ‘di makaranas ng sexual harassment.

Marami ang kinondena ang nasabing pahayag dahil sa hindi makatarungang paratang sa mga kababaihan. May mga sumang-ayon ngunit mas marami ang tumalima at patuloy na ipinahayag ang sarili sa kamaliang pinapakalat sa baluktot na kaisipan.

Bakit nga ba parang binabaliktad pa ang sitwasyon at ang mga biktima pa ang pinalalabas na tila may kasalanan at ang kanilang paraan ng pananamit pa ang itinuturing na nakadaragdag sa maraming dahilan kung bakit nangyayari ang mga panghahalay?

Ano-ano nga ba ang ilan sa mga maling kaisipan tungkol sa rape?

 

Photo courtesy of Pexels.com

 

VICTIM BLAMING

Victim-blaming o tila paninisi pa sa mga biktima ng panggagahasa ang nais palabasin ng mga taong nasa ganito ang pag-iisip at pagtingin sa isyung ito.

Mariing tinutulan at nilalabanan ng ilang personalidad, grupo o organisasyong naglalayong ipaglaban ang karapatan ng kababihan, at mga mamamayang may malawak na pag-unawa sa usaping ito.

Ang mangmang ng ideolihiyang ito. Kung ikaw ang nabiktima at na-agrabiyado sa kasalanang hindi mo naman ginawa, papayag ka na lang ba na walang gawin at hahayaang ganito ang maging tingin saýo?—Ganito kasimple ang nais kong sabihin sa kontekstong ito, sino ba namang tao ang papayag na akuin ang kasalanang hindi naman siya ang may gawa.

 

KULTURA NG RAPE SA PILIPINAS

Sinasabing walang eksaktong batayan o panahon sa kung kailan nagsimula ang paniniwala at kaugaliang ito. Ayon sa kasaysayan patungkol sa panghahalay ng sapilitan, ito ay naka-ugat sa mga paniniwala tungkol sa pangkasarian o gender norms kung saan dahil mas dominante ang mga kalalakihan at sumusunod lamang daw ang mga kababaihan ay maaaring nagsimula ang mentalidad na ito.

Ang stereotyping o pangkalahatang paniniwala sa isang partikular na kategorya ng mga tao ay maaaring salik din na pinag-ugatan ng rape sa kultura. Sinasabing ang ganitong mga paglalahat ay nakapagbigay ng daan sa kaisipan ng marami patungkol sa mga kababaihan at lalong nag-alab ang kanilang kagustuhang gawin ang ‘di makatarungang makamundong gawain.

 

RAPE JOKES

Isa na marahil sa konkretong halimbawa nito ay ang mga pagbibiro na ginagawa ni Pangulong Duterte patungkol sa rape na patuloy na kinokondena ng mga kababaihan. Malaki ang naging epekto nito sa pananaw ng marami sa kanyang liderato at bakit tila ganoon na lamang ang kanyang mga salitang binibitawan patungkol sa sensitibong isyung ito.

Hindi matanggap ng mga grupong lumalaban sa karapatan ng mga kababaihan at mga naabuso ng rape na tila minamaliit lamang ito kahit na maaaring buong buhay at pagkatao ng biktima ang apektado.

Sa tuwing ginagawang biro ang rape, mas lumiliit ang takot at respeto ng mga taong nais gawin ang masamang bagay na ito.

 

WALA SA PANANAMIT ANG DAHILAN NG RAPE

Bakit kailangang sisihin ang pananamit ng mga kababaihan? Kailangan ba na palagi silang susunod sa ididikta ng kapaligiran? Walang matibay na argumento ang marahil makakalupig sa pananaw na ito.

Kahindik-hindik ang mga balitang lumabas tungkol sa mga walang kamuang-muang na mga sanggol na biktima ng panggagahasa. Mga anghel na wala pang malay sa mundo na balot na balot ng kasuotan ang idinamay sa tawag ng laman. Sinong halang ang kaluluwa ang mag-iisip na dahil sa suot nila ay naakit ang mga nanggahasa—wala! Dahil tanging walang matinong pag-iisip ang makagagawa nito.

Paano pa ang mga batang ninanais lamang ang maglaro at wala pa sa hustong pag-iisip ay naging biktima rin ng pang-aabuso? Dahil pa rin ba sa kanilang suot? Kahit sino naman siguro ang ating tatanungin na nasa tamang kaisipan ay wala ring masasabi bagkus ay magpupulos din sa galit at pagkadismaya.

Wala ito sa uri at paraan ng pananamit ng kababaihan. Ito ay nasa maling mentalidad at pag-iisip ng mga walang konsenyang gagawa nito.

Makinig ka.

Walang rape kung walang rapists!

Tapos ang usapan!

Related Reads


What's New

More Articles